header image
 

Me

It’s been rough and already way too tough.

I just can’t wait for you anymore.

I’ll just stand on whatever I think is right and expect nothing else.

This time, its just me.

Just me.

Bookmark and Share

Sa Isang Kaibigan

Wala akong makitang pagbabago. Wala din akong makitang effort. Feeling ko nga napakasama ko ng tao dahil pinipilit kong makisama ulit. Pero dahil sa sama ng loob at patuloy pa din siyang nagiging manhid sa mga bagay na nagsimula ng problema. Hindi ko maiwasan na makapagsalita ng patalikod. Sadya man oh hindi, wala akong magawa. Hindi na tulad ng dati na tinitiis ko lahat ng sama ng loob at pinipilit kong intindihin ang mga bagay bagay.

Nahihiya ako sa mga tao sa paligid ko. Gusto ko makisama kasi magkakaibigan tayo. Pero patuloy akong nagpapakatotoo sa sarili ko, sa nararamdaman ko. Hindi ko na ma-i-deny na minsan talaga sa buhay ng isang tao, kaylangan mo magpakaplastic. Sa kapakanan mo, pati na din ng pagkakaibigan nyo.

Madali naman ako magpatawad ng tao. Kung sana kahit konti lang may pagbabago at effort akong nakikita at nararamdaman. Pero patuloy at patuloy pa din siya sa mga bagay na dating ginagawa niyang kaya napagsabihan siya na ‘insensitive’. Walang pagbabago.

Siguro, pahiwatig na din yun para magpakatotoo ako sa sarili ko. Alamin ko kung ano ba dapat ang desisyon ko, ano ba dapat ang gawin ko.

May iilan na tao sa paligid ko. Pero alam ko totoo sila. Hindi ko na siguro dapatipilit pang makisama ng dahil sa kanila.

Tama na.

Hangga’t walang pagbabago. Hangga’t walang pagsisikap. Tama na muna.

Bookmark and Share